Posts

Kumusta Na

Ohh Kumusta na! Ba't ba laging ganyan kayo? Ano ba talaga ang gusto niyo? Mabuti na lang itong si Madam Glory mukhang matapang at matatag. Kung hindi, siguro noon pa ay bagsak na naman ang ating bansa sa tingin ng iba. Mabuti na lang, marami ang mga loyal sa kaniya. Di tulad noong sa panahon ni Pareng Erap na halos ng mga inilagay niya sa pwesto ay mga traydor at walang paninindigan.

Condom, Pills and Manila City

Minsan, mahirap paghaluin ang religion at ang pamamahala sa isang lungsod. Lalo na kung ang gawing basihan ay ang maling paniniwala o interpretasyon sa mga nakasulat sa Biblia. Okay lang sana kung ang ginamit o in-apply sa kaniyang pamamahala sa lungsod ay ang mga katotohanan, take note, katotohanan at hindi twisted na katotohanan, na nakasulat sa Biblia. Gamitin nating halimbawa ang pamamahala ni Mayor Lito Atienza sa Lungsod ng Maynila. Sa kasalukuyan ay pinagbabawal sa nasabing lungsod ang paggamit ng mga artificial na paraan sa family planning, gaya ng condom, pills at iba pa dahil labag daw ito sa katotohanang nakasulat sa Biblia ukol sa sex. E, ano naman kaya ang natutuhan niyang aral ng Biblia para sabihin na labag sa katotohang nakasulat sa Biblia ang artificial na paraan ng family planning? At kanino naman kaya niya natutuhan ang aral na ito? Ayon sa isang residente ng Lungsod, itinuro daw sa kanila na ang mga contraceptives at condom ay isang paraan ng abortion, kaya ipinagba...

Philippine Economy

Sabi nila bagsak na raw ang Philippine Economy. From stable status daw ngayon negative na. Kaya according to them, the best solution daw, Gloria must resign. Ohhh! Ganoon! Bakit ba kay Gloria natin isisisi ang lahat ng ito? Bakit hindi natin sisisihin ang ating mga sarili. I know that you know na even sa start pa lamang ng panunungkulan ng Presidente ay ginawa na niya ang lahat niyang makakaya para maiaangat ang ekonomiya ng bansa at nakikita din natin ang development nito. And as proof, our economy was on the stable status na. But, bigla lumabas ang mga naghahanap ng butas. At alam niyo kung anong naging resulta ng mga paghahanap ng butas sa panunungkulan ng Presidente? Ito ang dahilan ng pagbagsak ng ating ekonomiya. Sabi nila kaya nga daw, pababain na si Gloria para maiangat muli ang ating ekonomiya! Ang tanong ko naman, sigurado kaya kayo na maiangat muli o baka lalo lang mapabagsak? Nais natin ng kapayapaan at pag-angat ng ekonomiya ng bansa, pero paano natin maabot yan kung tayo ...

Ang Presidente Ng Pilipinas

Alam niyo, kung maghahanap na lang lagi tayo ng butas sa isang Presidente ng Pilipinas, nasisiguro akong wala nang magandang mangyayari sa ating bansa. Bakit ko nasabi ito? Ang totoo, wala naman talagang mapipili tayo sa lahat ng mga politikong iyan e. Sa panahon ng kanilang pagtakbo para sa isang posisyon sa gobyerno, maaaring sasabihin nila nais nilang maglingkod sa bayan kaya sila tumakbo sa panahon ng halalan. Pero, paglilingkod ba talaga ang nais nila? 99.99% ng mga politikong nanungkulan sa ating gobyerno ay may pansariling habol sa mga posisyon na yaon. Maaring sa simula ay malinis ang kanilang pagpapatakbo sa kanilang opisina pero sa bandang huli kung ating sisilipin ang pinakamaliit na butas, makikita natin, ang mga bagay na hindi natin magugustuhan. Bakit? Natural. Tao lang tayo di ba? At walang perpekto na tao na habang nabubuhay sa mundong ito ay hindi nakakagawa ng mga pagkakamali. Ngayon balik tayo sa ating Presidente. Maari ngang may ginawa siyang hindi maganda, pero yun...

Resign Gloria?

Actually ayokong pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito. Sasakit lang ang ulo ko. Hindi ko alam kung sinong gustong gawin Pangulo ng mga Pilipino at lagi na lang ganito. Nakatikim ng Unang People Power, sinunandan ng Pangalawa. Nagalit ang mga Masa, sumunod ang Pangatlo. Ngayon naman balak na naman nilang gagawa ng Pang-apat na Edsa Revolution? Huh! Pinaglalaruan lang kayo ng mga malalaking negosyante sa mundo. Pagamit kayo, pagamit sila, gamitan na lang ba? Ohh ngayon, bababa si Gloria, sinong maging Pangulo? Si Noli? Pag di magustuhan ang patakaran ni Noli, ibababa uli at panlimang People Revolution uli. Ewan ko nalilito na ako. Ano ba talaga ang gusto niyo? Gusto niyo bang aasensyo ang Pilipinas? Wala, walang asenso pag ganyan na lang lagi. Wala naman talagang mapili sa lahat ng mga pulitiko e. Bakit, kumandidato ba ang mga yan sa sarili nilang gastos? Hindi a! Lahat sila may mga sponsor. Natural pag nakaupo na, kikilos na yung mga sponsor na iyon at palitan lang nga paggamit. Gamit...

My Home Town

The Manila Bulletin Online has this report: The seizure came after a 30-minute fierce gun battle with surprised and outgunned communist dissidents in the Mt. Diwata ranges in San Agustin, Surigao del Sur, Maj. Alexis Noel C. Bravo, regional Army spokesman, said. ( source ) For the first time since I went here in Metro Manila, my home town has been featured in the news media just like this. San Agustin, Surigao Sur was the place where my family resided for so long. I was born in that place and lived for about 16 years. I witnessed wars between the government troops and the Communist rebels led by a former Catholic Priest Rev. Navarro who was once the teacher of my big brother in high school and also the one who baptised me in the Catholic. On this place where I witnessed how the goons pointed a 45 pistol on my mother's back while robbing the ballot and ballot boxes during the Yes or No election. On this place where rebels went inside our house looking for the army men living with us...

27 Dead in Bus Accident

The death toll on the Accident happened yesterday, May 11, 2005 in Benguet was raised to 27. Let me say this way. Accident can actually be avoided. Iisa lang po ang dapat gawin, act as a disciplined one. Disiplina lang po ang kailangan. But how? You know, ang accident ay laging nakaabang sa daan. Expected po talaga yan. Perso sana, bago ka pa magpatakbo ng iyong sasakyan, try to fix any problem ng iyong sasakyan. Halimbawa, check mo ang brakes mo, ang clutch, ang kambyo, lahat lahat ng nasa sasakyan mo i-check mo na lalo na ang gulong. Then kung nakasiguro ka na na nasa condition ang lahat then, pwede ka nang magpatakbo. Pero kung nagpapatakbo ka naman ng sasakyan siguraduhin mong nasa tama ka. Tama ba ang speed mo at naayon ba ito sa condition ng daan. Kung tama ang takbo ng sasakyan mo, e kung overloading ka rin naman, wala ding silbi. Bakit? Kung pababa ang daan at overloaded ka, sa tingin mo kaya makakayanan ng brakes mo ang pagcontrol ng takbo ng sasakyan sa haba ng daan na pababa...