Marami sa ating mga kababayan ang tutol sa pagbabalita ng mga sex scandals tulad ng nangyari sa sex video ni Hayden Kho . Para sa kanila, hindi ito dapat na bigyan ng pansin alang alang sa mga kababaihan at mga kabataang Pilipino. Maaring tama ang kanilang sinasabing ito. Pero para sa akin, mabuti lang ito sa TV at sa Radio. Subalit, mas mabuti kung hindi ito gawin sa mga blogs na may matinong mga laman dahil malaki ang maitutulong ng mga blogs na ito upang lalong maibaon sa ilalim ng SERP ang mga tunay na mga websites na nagbebenta ng mga larawan o video ng mga kababayan nating mga kababaihan. Isipin mo na lang kung napakadaming mga bloggers ang nag SE spam sa mga ganitong subject. Kung ang mga kabataan ay magsearch sa internet, instead na matatagpuan nila yung tunay na mga porny na mga website ay ang mga matitinong website and makikita nila. Hindi ba't napakalaking tulong nito upang wag matagpuan ang mga scandalosong mga materiales na yan?