People Power and Corruption
Sa totoo lang, parang hindi ko na nagugustuhan ang takbo ng pagiisip ng mga politiko sa Pilipinas. Minsan nang ginamit nila ang sinasabi nilang People Power Revolution against Marcos regime. Nagtagumpay silang palayasin ang sinasabi nilang corrupt na presidente. Pagkatapos, muli nila itong ginamit against Erap dahil corrupt din daw. Ngayon naman gusto ng mga politiko na gamitin ang People Power against Gloria with the same reason, corrupt din daw. Sandali, noong People Power 1, pinalayas si Marcos at ipinalit si Cory. Magtatanong lang.... Ang gobyerno ni Cory ba hindi rin corrupt noon? Sa panahon ni Erap, muling nagPeople Power kuno at pinalayas daw si Erap at ipinalit si Gloria. Corrupt daw kasi Erap...Ang problema, ang ipinalit nila bilang presidente ay muling inakusahan na Corrupt din kaya't kailangan daw na muling gamitin ang People Power. Hmmm... Kung sakali magpeople power uli at mapalayas si Gloria, sino naman kaya ipapalit natin? Ohhh! Tanong uli: Sino sa palagay ninyo ang ...