Posts

Showing posts from June, 2009

Happy Independence Day

Wala akong ibang masasabi kundi ang batiin kayo ng Happy 111 independence Day. E ano pa ba ang masasabi ko. Hindi ko naman kayang pumunta sa mga lugar na merong dinadaos na mga activities for this special day. Dito nga lang ako sa bahay, nanonood na lang ng mga televised na activities... at nagbabasa ng mga news sa internet.

ConAss

Ako'y nagtataka kung bakit atat na atat ang mga congressmen para sa ConAss. Sabi nila, hindi raw nila pahahabain pa ang termino ni Ginang Gloria Arroyo bilang pangulo ng ating bansa. Sabi nila ganito... Sabi nila ganoon... Pero bakit ba kailangan pa ng ConAss? Hindi ba pweding mamaya na lang pagkatapos ng eleksyon gawin ang bagay na ito? Pambihira naman kayo, wala kayong ibang naiisip kundi ang kapakanan lamang ng mga sarili ninyo. Plane Crash Can't Understand June 2009 Nurse Licensure Examination Results Too Warm Whom Should I believe?

Mancao is Home

Nakauwi na kamakailan lamang si dating Police S/Supt Mancao na siyang pinaniniwalaang may hawak ng pinakamahalagang inpormayon tungkol sa pagkakapatay kay Dacer at sa kaniyan driver. Pero marami ang nagtatanong kung totoo bang katotohanan ang kaniyang isisiwalat o baka isang katotohanan na ang gawagawa lamang. Matatandaan na itinuturo niya si Senator Lacson as one of the mastermind of the murder.

Catholic Church vs Reproductive Health Bill

Problema ngayon ng Roman Catholic Church in the Philippines kung paano nila maharang ang Reproductive Heath Bill na isinusulong sa Kamara. Mukhang hindi takot ang mga congressmen sa mga pananakot na ginawa ng simbahan na hindi na sila patatanggapin ng communion. Sa bagay, hindi lahat ng congressmen ay mga Katoliko. Ang totoo, marami din sa kanila ang mga protestante at iba pang sekta ng Kristianismo. Meron din mga Muslin sa kanila. Maaring marami nga ang mga Katolikong congressmen pero I think, hindi lahat sa kanila ay mga aktibong mga Katoliko. Pero bakit nga ba kailangan harangin ng simbahan ang ganitong bill? Well, ayon sa mga pahayag, hindi raw kontra ang simbahan sa mga policies na nakapaloob sa bill na ikabubuti ng mga Pilipino. Ang kinokontra daw nila ay ang pagpromote ng artificial contraceptive, dahil siyempre ang artificial contraceptive ay labag po yan sa doktrina ng Iglesia Katolika. Pero paano kung maaprobahan ang bill na ito? Sa tingin ko, hindi naman natatapos ang mundo ...