Behind the ZTE NBN Scandal Investigation

You know, napapagod na ako sa kakabasa at kakarinig ng mga balita ukol sa ZTE NBN Scandal na yan. Hindi niyo ba alam kung magkano ginagastos ng senado everytime the Senator held Senate forums with their so-called Star Witness? Ang milyon-milyong peso na ginamit nila sa investigation na yan kung ginamit na lang nila para sa mga proyektong pakikinabangan ng bawat Filipino, e mas mabuti pa sana.

Kung totoo man na hawak nila ang katotohanan, at totoong may nangyaring kurapsyon sa NBN project na yan, e bakit sa Senado ginagawa ang imbestagasyon. E dapat dinemanda na nila ang lahat ng mga taong sangkot dito. Pero bakit sa Senado lang nila ito ginawa? E baka naman may mga ibang motibo ang mga tao sa likod ng Senate investigation na to? Malapit na ang eleksyon... panahon na naman para magpasikat. Baka ito ang pinakadahilan kung bakit ayaw nilang dalhin sa tamang lugar ang kasong ito.

Ping Lacson... tatakbo daw pagka-Presidente sa 2010. Si Cayetano? Hmmm... O baka naman Jun Lozada for President?

Comments

Popular posts from this blog

Philippines rushes to contain oil spill

On The Bloody Dispersal

Living in the Philippines is Hard