People Power and Corruption

Sa totoo lang, parang hindi ko na nagugustuhan ang takbo ng pagiisip ng mga politiko sa Pilipinas. Minsan nang ginamit nila ang sinasabi nilang People Power Revolution against Marcos regime. Nagtagumpay silang palayasin ang sinasabi nilang corrupt na presidente. Pagkatapos, muli nila itong ginamit against Erap dahil corrupt din daw. Ngayon naman gusto ng mga politiko na gamitin ang People Power against Gloria with the same reason, corrupt din daw.

Sandali, noong People Power 1, pinalayas si Marcos at ipinalit si Cory. Magtatanong lang.... Ang gobyerno ni Cory ba hindi rin corrupt noon?

Sa panahon ni Erap, muling nagPeople Power kuno at pinalayas daw si Erap at ipinalit si Gloria. Corrupt daw kasi Erap...Ang problema, ang ipinalit nila bilang presidente ay muling inakusahan na Corrupt din kaya't kailangan daw na muling gamitin ang People Power.

Hmmm... Kung sakali magpeople power uli at mapalayas si Gloria, sino naman kaya ipapalit natin? Ohhh!

Tanong uli: Sino sa palagay ninyo ang maaring ilagay sa pwesto na hindi corrupt? Sige nga. E ikaw kaya hindi ka kaya corrupt din?

Ang problema kasi sa atin, reklamo tayo ng reklamo kesyo corrupt daw ang nanungkulan sa gobyerno ni hindi man lang muna inisip kung ikaw mismo sa sarili mo hindi ka ba nangurakot ng pera ng gobyerno. Consider these:
  • Noon bang bumoto ka, hindi ka ba tumanggap ng pera mula sa politiko?
  • Hindi mo ba minolestiya ang mga politiko sa pamamagitan ng panghingi ng tulong, solicitation for any project o anuman mula sa kanila?
  • Hindi mo ba nilinlang ang mga taga BIR noong nagbayad ka ng buwis?
  • Kung may kailangan ka sa serbisyo ng gobyerno, dumadaan ka ba sa tamang proseso?
Ilan lamang yan sa mga tanong na dapat mong sagutin. Tingnan mo muna ang iyong sarili bago ka manghusga kaninoman.

Ngayon kung sa tingin mo malinis ka at ni isa man lang na paraan ng kurapsiyon ay hindi ka nakakagawa, so ituloy mo ang kasisigaw mo na pababain si Gloria. Karapat-dapat kang magreklamo.

Now, for example mag-people power uli tayo at mapababa si Gloria, sino naman kaya ang pauupuin natin? Si Ping? Si Jun Lozada? Si Cayetano? O si Erap uli?

Siguro, kung lagi na lang ganito, ang masasabi ko, dapat na nating tanggalin ang batas sa eleksiyon. What I mean, wag na lang tayo magkaroon ng election. Ganon din naman kung may mananalo sa election, atin din namang pababain.

And then, siguro, gumawa tayo ng batas na ang boses ng Metro Manila ay siyang boses ng Pilipinas. Ganito lang kasi nanyayari lagi e. Kung ano yung pinagkaisahang gawin ng mga tao sa Metro Manila ay siyang gustong mangyari sa gobyerno. Halimbawa na lamang ay ang People Power. Hindi ba't karamihan sa nag-EDSA daw ay mga taga-Metro Manila lamang? Kung meron mang taga probinsyang kasama doon, sa Metro Manila rin naman sila kasalukuyang nakatira. At kung ganito na lamang lagi, I think, kailangan na ng Visayas at Mindanao humiwalay sa Pilipinas at magkaroon ng sarili nilang bansa at sariling gobyerno.

Ano sa palagay niyo?

Comments

Popular posts from this blog

Philippines rushes to contain oil spill

On The Bloody Dispersal

Living in the Philippines is Hard