Condom, Pills and Manila City
Minsan, mahirap paghaluin ang religion at ang pamamahala sa isang lungsod. Lalo na kung ang gawing basihan ay ang maling paniniwala o interpretasyon sa mga nakasulat sa Biblia. Okay lang sana kung ang ginamit o in-apply sa kaniyang pamamahala sa lungsod ay ang mga katotohanan, take note, katotohanan at hindi twisted na katotohanan, na nakasulat sa Biblia. Gamitin nating halimbawa ang pamamahala ni Mayor Lito Atienza sa Lungsod ng Maynila. Sa kasalukuyan ay pinagbabawal sa nasabing lungsod ang paggamit ng mga artificial na paraan sa family planning, gaya ng condom, pills at iba pa dahil labag daw ito sa katotohanang nakasulat sa Biblia ukol sa sex. E, ano naman kaya ang natutuhan niyang aral ng Biblia para sabihin na labag sa katotohang nakasulat sa Biblia ang artificial na paraan ng family planning? At kanino naman kaya niya natutuhan ang aral na ito? Ayon sa isang residente ng Lungsod, itinuro daw sa kanila na ang mga contraceptives at condom ay isang paraan ng abortion, kaya ipinagba...