Philippine Economy

Sabi nila bagsak na raw ang Philippine Economy. From stable status daw ngayon negative na. Kaya according to them, the best solution daw, Gloria must resign.

Ohhh! Ganoon! Bakit ba kay Gloria natin isisisi ang lahat ng ito? Bakit hindi natin sisisihin ang ating mga sarili.

I know that you know na even sa start pa lamang ng panunungkulan ng Presidente ay ginawa na niya ang lahat niyang makakaya para maiaangat ang ekonomiya ng bansa at nakikita din natin ang development nito. And as proof, our economy was on the stable status na.

But, bigla lumabas ang mga naghahanap ng butas. At alam niyo kung anong naging resulta ng mga paghahanap ng butas sa panunungkulan ng Presidente? Ito ang dahilan ng pagbagsak ng ating ekonomiya.

Sabi nila kaya nga daw, pababain na si Gloria para maiangat muli ang ating ekonomiya! Ang tanong ko naman, sigurado kaya kayo na maiangat muli o baka lalo lang mapabagsak?

Nais natin ng kapayapaan at pag-angat ng ekonomiya ng bansa, pero paano natin maabot yan kung tayo ay hindi nagkakaisa. Alam niyo, tayo din mismo ang gumagawa ng paraan para hindi natin maabot yang mga pinapangarap natin e.

Iisa lang naman talaga ang paraan para magkaroon ng realisasyon ang ating mga pangarap e. Ito ay ang pagkakaisa nating lahat bilang Filipino.

Tungkol sa sinasabing panloko ni Gloria sa Eleksiyon, ba't pa ba natin paguguluhin ang bansa natin. Meron naman tayong justice system a. Ba't ba di natin hayaang lumabas ang hustisya sa tama at maayos na paraan? Kung ganitoganito na lamang tayo, sigurado akong hanggang pangarap lang talaga yang mga pangarap natin ukol sa ating bansang Pilipinas.

Pero masingit na nga. Alam niyo ba na itong nangyari sa ating bansa ay hindi bagong bagay? Ang totoo, simula pa sa panahon ni Gen. Aguinaldo at Bonifacio ay ganito na to e. Baguhin kaya natin ang style natin wag na nating gayahin yung mga kinikilala nating bayani, pero nag-aagawan naman ng yaman ng bayan. Hindi niyo ba alam ang history na ito? Well di ko kayo masisisi, dahil sinadyang itago ito ng mga historian at ng ating Gobyerno dahil hindi magandang larawan para alalahanin ng mga bagong henerasyon ng mga Pilipino.

Comments

Popular posts from this blog

Philippines rushes to contain oil spill

On The Bloody Dispersal

Living in the Philippines is Hard