Condom, Pills and Manila City

Minsan, mahirap paghaluin ang religion at ang pamamahala sa isang lungsod. Lalo na kung ang gawing basihan ay ang maling paniniwala o interpretasyon sa mga nakasulat sa Biblia. Okay lang sana kung ang ginamit o in-apply sa kaniyang pamamahala sa lungsod ay ang mga katotohanan, take note, katotohanan at hindi twisted na katotohanan, na nakasulat sa Biblia.

Gamitin nating halimbawa ang pamamahala ni Mayor Lito Atienza sa Lungsod ng Maynila. Sa kasalukuyan ay pinagbabawal sa nasabing lungsod ang paggamit ng mga artificial na paraan sa family planning, gaya ng condom, pills at iba pa dahil labag daw ito sa katotohanang nakasulat sa Biblia ukol sa sex.

E, ano naman kaya ang natutuhan niyang aral ng Biblia para sabihin na labag sa katotohang nakasulat sa Biblia ang artificial na paraan ng family planning? At kanino naman kaya niya natutuhan ang aral na ito?

Ayon sa isang residente ng Lungsod, itinuro daw sa kanila na ang mga contraceptives at condom ay isang paraan ng abortion, kaya ipinagbabawal sa kanila ang paggamit ng mga katulad nito. Kung totoong itinuro sa kanila ang ganito at pilit silang paniniwalain sa ganitong turo, ay masasabi kong hindi na ito pagtuturo ng katotohanan kundi isa na itong pambri-brainwash. Hindi na ito isang paraan ng pag-educate sa mga tao kundi isang paraan ng panlilinlang.

Ang paggamit ng contraceptive lalo na ng condom ay hindi maituturing na abortion lalo na kung ito ay ginamit sa tamang paraan. Paano magkaroon ng abortion kung ang condom ay ginagamit lamang para harangin ang mga semen para maiwasann ang fertilization ng itlog ng babae? Mayroon bang abortion kung walang fetus?

Kung nais nilang i-promote ang natural family planning, then kailangan nila itong gawin ng walang halong panlilinlang. Ituro nila ang tamang paraan ng paggamit nito at ipaunawa din nila sa mga tao ang mga advantages at disadvantages nito ikumpara sa artificial na paraan ng family planning. Pagbutihin nilang i-promote ito, pero huwag naman sanang pagbawalan ang mga tao na gumamit ng kabilang paraan.

Ewan ko kung naaawa ba si Mayor Atienza sa mga taong kaniyang nasasakupan o hindi. O baka naman natutuwa siyang makita ang kaniyang mga residente na lalong naghihirap dahil sa hirap ng pagdadala ng pamilya na may maraming anak?

Comments

Popular posts from this blog

Philippines rushes to contain oil spill

On The Bloody Dispersal

Living in the Philippines is Hard