Ang Presidente Ng Pilipinas
Alam niyo, kung maghahanap na lang lagi tayo ng butas sa isang Presidente ng Pilipinas, nasisiguro akong wala nang magandang mangyayari sa ating bansa. Bakit ko nasabi ito?
Ang totoo, wala naman talagang mapipili tayo sa lahat ng mga politikong iyan e. Sa panahon ng kanilang pagtakbo para sa isang posisyon sa gobyerno, maaaring sasabihin nila nais nilang maglingkod sa bayan kaya sila tumakbo sa panahon ng halalan. Pero, paglilingkod ba talaga ang nais nila?
99.99% ng mga politikong nanungkulan sa ating gobyerno ay may pansariling habol sa mga posisyon na yaon. Maaring sa simula ay malinis ang kanilang pagpapatakbo sa kanilang opisina pero sa bandang huli kung ating sisilipin ang pinakamaliit na butas, makikita natin, ang mga bagay na hindi natin magugustuhan. Bakit?
Natural. Tao lang tayo di ba? At walang perpekto na tao na habang nabubuhay sa mundong ito ay hindi nakakagawa ng mga pagkakamali.
Ngayon balik tayo sa ating Presidente. Maari ngang may ginawa siyang hindi maganda, pero yun kayang nagrereklamo ay wala din kayang nagawang hindi maganda? O sige sasabihin natin na nanloko siya noong nakaraang halalan (pero hindi ko sinasabing totoo ito.), ang tanong, siya lang kaya ang nanloko o lahat ng mga kumamdidato ay may mga kalokohang ginawa?
Gawin kong halimbawa ang halalan na nangyari sa Malitbog, Southern Leyte na kung saan doon ako bumoto at doon ko nasasaksihan ang mga kalokohan ng mga politikong nais manungkulan sa ating bayan. Ang tumakbo doon sa pagka-Mayor ay magpinsan. Magpinsan yan ha, pero dahil sa eleksyon, nagsisiraan at naglalantaran ng kanikanilang mga baho.
Ang mga kasambahay ko ay pumapanig sa kasalukuyang Mayor at alam mo ba kung magkano ang tinanggap nila dito? Well! 300.00 Pesos lang namang ang bawat isa sa kanila. E yung mga pinsan ko na boboto sa kabila, ay tumanggap din ng 200.00 Pesos. Ang ganito kayang gawain ay maganda para sa isang manunungkulan sa bayan?
Huh! Kung sa pagtakbo pa lamang para sa isang posisyon sa gobyerno ay gagastos ka ng ng milyunmilyon, ano kaya ang iisipin mo kung nasa posisyon ka na? Makokontento ka na lang sa sweldo mo na kung susumahin ay sobra ang liit kumpara doon sa ginastos mo noong ika'y tumakbo pa lamang?
Kaya, itong ating mga Presidente, hindi maiiwasan na maaring tatanggap yan ng anumang suhol mula sa kung anu-anong agensiya. Bakit? E tao lang yan at may pagkakataong nasisilaw sa salapi. At kung matatag man siya ay nahuhulog din ito sa kanilang mga utang na loob. Wow! Walang mapagpilian di ba?
E ano ang dapat nating gawin? Simple, tayong mga ordinaryong mamamayan ang dapat unang magpakalinis. Sa panahon pa lamang ng halalan ay piliin natin ang kandidatong may malinis na hangarin. At siyempre hindi tayo makakapili ng kandidatong may malinis na hangarin kung tayo mismo ay hindi magpapakalinis.
Anong ibig kong sabihin? Na huwag nating molestiyahin ang mga kumandidato. At ang kandidatong hindi minomolistiya ay hindi rin nagpapamolestiya siyempre, na ito ang isa sa palatandaan ng isang kandidatong may malinis na hangarin sa bayan.
Sang-ayon ba kayo sa akin? Well, salamat. Pero kung hindi, maari niyo akong murahin.

Comments